Nasyonalismo...

Hindi na ata uso ang nasyonalismo ngayon. Mas uso na ata ang praktikalidad.

Masisisi mo ba ang daan-daang libong mga Pinoy na nagpupunta sa ibang bansa para kumita? Masasabi mo ba na hindi sila makabayan sapagkat ginagawa nilang iwan ang kanilang bansa?

HINDE! ... ata.

Sino ba ang taong gustong malayo sa pamilya? Sino bang gustong mag-paalipin sa mga banyagang ang karamihan e para tayong mga aso kung tratuhin.

Hindi ba't iba pa rin yung magtatrabaho ka sa sarili mong bansa at kumikita ka nang sapat para mabuhay nang matiwasay?

Mas ok sana kung OK ang Pilipinas.

Mas ok sana kung LAHAT tayo magiging OK kahit dito tayo nagtatrabaho.

Yun lang... Hindi ganun e.

Lahat tayo nag-aasam ng maginhawang buhay, maliban na lamang sa mga mabibilang na mga alta sa ating lipunan.

Sa tingin ko hindi na nagiging mahalagang paksa ang nasyonalismo kung araw-araw iniisip mo kung sardinas ba o tuyo ang uulamin ng mag-iina mo bukas at sa susunod pang mga araw.

Sa tingin ko rin, hindi masama ang mangarap.

Kaya kung nasyonalismo ang hahadlang sa mga balak kong gawin sa buhay, siguro hindi na masama kung maging makasarili muna ako.

Hindi naman nakakain ang nasyonalismo. Siguro sa iba, oo. Sa mga mapapalad na nagkakataong ang propesyon nila ay naaayon sa pagiging tunay na makabayan, oo.

Pero ika nga, it's a base-to-base casis. Hindi lahat ng salawal ni Pedro kasya sa lahat ng tao.

Hindi ko sinasabing itakwil mo na Pilipino ka.

Ang sinasabi ko, abutin mo ang mga pangarap mo nang hindi nakakalimot kung saan ka nanggaling.

"What is your country of origin?"

"Pilipino ako."



^__^

2 comments:

  pauee

January 19, 2009 at 10:30 AM

mas masaya pa din kasi magtagalog kesa kahit anong banyagang salita :)

  Cygnum

January 19, 2009 at 9:52 PM

aba'y shempre.

mamili ka:

p*t*ng-ina ninyong lahat!

s*n of a b*tch y'all!

o di ba mas tagos ang tagalog?

^__^